Monday, December 13, 2010

PANALANGIN SA KALIKASAN

Banal na Espiritu ng aming Mapagmahal na Tagapagligtas,
Naririnig namin ang inyong panawagan
Sa boses, sa hinaing ng aming kapwa
Ibuhos Mo sa amin ang Inyong lakas, ang Inyong Karunungan,
Upang kaming lahat ay magkaisa sa puso't pang-unawa,
Sa pakikipagkapwa, at
Sa sama-samang Pagkilos patungo sa
Isang paghahanda sa anumang kalamidad

Na maaarung sumapit muli sa amin sa anyo ng
Bagyo, baha, lindol, na bunga at dahil
Sa mga binasag na mga Bundok
Ang mga gawain o mga binabalak namin,
Nawa, ay hindi makasira sa kagandahan
Ng Inyong Sangnilikha.
Makatunghay nawa kami ng isang MakaTao,
MakaDiyos, Maka-Kalikasang Kalutasan
Ng Pagkasira ng kalikasan ng aming bayan.
Sa tulong Mo, o Diyos, makapagtalaga nawa
Kami ng aming sarili sa pagtatangol at
Pagkalinga ng Kalikasan ng Mundong Ibabaw

Na siyang kaloob Mo sa amin ngayon
At sa mga susunod na salin-lahi. AMEN

No comments:

Post a Comment