Saturday, 8:30 PM
Official website: kapusomojessicasoho.tv
MOST DANGEROUS PLACES TO LIVE IN THE PHILIPPINES?
Danger lurks even in our supposedly safest haven --- home. A passenger airplane suddenly crashed at a quiet residential area In Baranggay Aldana, Las Piñas. In Merville Subdivision, Parañaque, residents complain of the deafening noise coming from a nearby airstrip. Meanwhile, people in Guinobatan, Albay had to deal with the hazards of living with their most threatening neighbor. Mayon Volcano!
GREEN IS IN!
Humans constantly disrespect the environment --- and now, it is fighting back! But for some, the recent environmental catastrophes also serve as a good wake up call. For members of the Tzu Chi Foundation, instead of throwing away plastic water containers that are non-biodegradable, they transform it into blankets! In Lipa City , Batangas, smoke-belching is not a problem with their bamboo bicycles! And since Christmas is just around the corner. what is the perfect gift we can give to mother nature? Solar Christmas lights!
VANISHING JOBS
With the advent of modern technology, a lot of jobs that require manual labor are slowly being phased out. For some, the fight to keep their craft going continues: just like how history was etched by the church documents penned by the last escribiente of San Fabian, Pangasinan. While the painters of giant movie billboards look up to each work as a masterpiece fit for the celebrities they show!
MGA MAPANGANIB NA LUGAR?
Sa loob ng sarili nating pamamahay, siguradong ligtas daw tayo. Pero ang panganib, wala raw pinipiling lugar. Tulad nang nangyari sa Brgy. Aldana sa Las Piñas, ang tahimik nilang buhay, ginulantang nang pagbagsak ng isang eroplano na sumapul sa ilang kabahayan. Sa Merville Subdivision naman sa Parañaque, halos mabingi na raw ang mga residente tuwing may papalipad o papalapag na eroplano. Samantalang ang mga taga-Guinobatan sa Albay, Mayon Volcano naman daw ang nagbabanta sa kanila sa tuwing nag-aalburuto ito!
BERDE ANG IN!
Dahil sa kawalan natin ng respeto sa kalikasan, sunud-sunod na rin ang paghihiganti nito sa atin. Pero ang iba, tila natauhan na kaya nagsimula ng magmalasakit sa kalikasan. Ang Tzu Chi Foundation, sa halip na itambak sa basurahan ang mga plastic water container na non-biodegradable o hindi nabubulok, ginagawa nila itong kumot. Sa Lipa City sa Batangas, ang rumaratsada sa kalye, walang kausok-usok, bisikletang gawa sa kawayan. At dahil malapit na ang Pasko, makatitipid na sa kuryente, mapapasaya pa ang kalikasan kung ang gagamiting pangdekorasyon, solar Christmas lights!
NAGLALAHONG HANAP-BUHAY
Dahil sa makabagong teknolohiya, maraming mano-manong trabaho ang unti-unti nang nae-etsapuwera. Pero may ilang pilit pa rin itong binubuhay para ipamana sa susunod na henerasyon. Ang huling escribiente ng San Fabian, Pangasinan, parang nakatala na raw sa kasaysayan ang bawat titik na kanyang naisulat sa mga papeles ng simbahan. Ang mga pintor naman ng mga higanteng movie billboard, tuwing tinitingala raw at pinagmamasdan ang kanilang mga obra, daig pa raw nila ang mga tinitingalang bituin sa pelikula.
No comments:
Post a Comment