Kopya sa Pahina ni Pinoy Politika
(Kahapon lamang ay nakapulot ako ng isang lumang at punit-punit na Pahayagan ng nagtatalakay sa Posibilidad ng matinding kalamidad na tatama sa Montalban, San Mateo, marikina, Pasig at Pateros. Ninais kong ilathala dahil sa aking pananaw ang naganap na mataas na baha noong Septemver 26, 2009 ay may malaking kaugnayan dito. Hindi tiyak ang petsa ng pahayagan pero sa caricature nito ay makikita ang 10-17-98 at isang artikulo ay makikita ang 09-11-98. ilan sa nilalaman ay ang mga sumusunod kasama ang mga larawan.)
Malaking pagbaha ang inaasahan sa mga darating na buwan pagdating ng LA NINA phenomenon ayon sa Philippines Atmospheric Geo-physical and Astronomical Service Administration (PAG-ASA).
iDINAdag ng mga Scientist ng Bureau of Soils and Water Management na ang tubig na dadaloy sa ating ilog Montalban ay aabot sa 38 Million cubic meters/hour.
Higit na kinatatakutan ang kasama nitong putik na umaabot sa 145,700 Million tons na may bilis na 120 Kilometer per hour ayon sa Flood Control Office ng Department of Public Works and Highway.
Ito ay may kinalaman sa patuloy na paggiba ng ating kabundukan sa Montalban sa pamamagitan ng mga Quarry operators.
Nagpapasabog ng dynamite mauuga ang lupa at maaaring gumuho ang loosen soil |
Bumaba ang loosen soil dahil sa pagyanig ng lupa at tumabon sa bunganga ng M0ntalban river |
Ganito ang naganap noong September 26, 2009 |